Inilarawan
ni Chiara Lubich ang Mariapolis sa isang artikulo
na pinamagatang “Mariapolis ’58.”
Sinulat n’ya: “Ito ay isang Lungsod, ang
Siyudad ni Maria.
Hindi
ito isang mayamang lugar dahil nais nitong tularan
ang kasimplehan ng pagsilang ni Hesus.Isa lang ang
mithiin nito: Ang ibigay sa mundo ang tunay na pag-ibig,
na s’yang daan upang matagpuan ang Diyos.Ang
mga taong naninirahan at pumupunta dito upang buuin
ang lungsod ay mayroong isang mithiin: Ang pangarap
ni Maria, ang pangarap ng Diyos: ipakita sa mundo
ang kahalagahan ng Espiritu, na ang Banal na Espiritu
ay magtatagumpay sa mundo.
Ang
mga batas ng mga taong naninirahan dito ay ang Ebanghelyo
na isinasabuhay sa bawat sandali. Dito nakabatay ang
mga kalakarang sinusunod sa lungsod na ito.Ang Mariapolites
o ang mga naninirahan sa Mariapolis ay nagnanais na
iproklama ang lakas ng Espiritu, ang lakas ng Diyos….
Nais
nilang maging aktibong bahagi ng katawan ni Kristo
– na sumusunod kay Kristo na nasa isip at puso
ang kanyang mga kataga: “Ang sinumang nagnanais
na sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil ang kanyang
sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin”,
upang sa pamamagitan ng pakikipagisa sa Diyos at pagkakaisa
nila, si Kristo sa kanila at si Kristo kasama nila
ay maipapakita sa mundo.”
Paano
isinilang ang Mariapolis? Balikan natin ang unang
sampung Mariapolis upang maipaliwanag ang tungkol
dito mula 1949 hanggang 1959.
Kung
1943 ang taon kung kailan nagsimula ang kilusan ng
Focolare, ang taong 1949 naman ang tanda ng pagsulong
nito.Noong 1949, naranasan ni Chiara Lubich ang tinatawag
na Paradise 49, kung saan naunawaan ni Chiara ang
isang bagong pananaw sa katotohanan ng ating pananampalataya.
Hindi
naman napagplanuhan ang mga pangyayaring kaugnay sa
Mariapolis. Ang mga pangyayari sa pagsisimula ng Mariapolis
ay kaugnay sa kagandahang loob ng Diyos. Si Chiara
kasama ng mga kaibigan n’ya ay nagtungo sa mga
bundok ng Dolomites upang magpahinga. Kuwento ni Chiara:
“Noong 1950 at 1951, bumalik kami sa bundok,
at masayang-masaya kami sa mga natuklasan naming mga
“bagay mula sa langit.” Hindi namin mapaniwalaan
na ang grupo na nabuo sa lambak ay lumalaki taun-taon.
Hindi na lamang kami mga dalaga, mayroon na ring mga
binata, mga magulang at mga bata kasama namin.Sa mga
sumunod na taon nangailangang umupa ng mga bahay sa
apat na kalapit baryo upang magkasya ang maraming
taong pumupunta.
Noong
1951, ang komunidad na ito ay tinawag na “lungsod.”
Mayroon ditong isang batas. Pagkakawanggawa, at ang
susi at pintuan upang makapasok dito ay pagkakawanggawa
lamang.
Hindi
ka maaaring pumunta bilang manonood, ngunit kinakailangan
maging aktibo ka upang buuin ang isang kamangha–manghang
maliit na lungsod kapiling ng iba na puno ng kaligayahan.
Ang
lahat ay nagpapaligsahan sa paglilingkod sa kapwa.Noong
1952 at 1953 maraming pari at relihiyoso ang sumali
sa “lungsod.” Magkaiba man ang pinanggalingang
kongregasyon, ang nagkakaiba nilang espirituwalidad
ay nagkakatugma sa isa’t isa at lalong napag-ibabayo
ng kapatiran.
Sa
pagtatapos ng bawat tag-araw, nagsasama- sama kami
ng may pagkakaisa, sa patuloy na pagkakawanggawa,
at paglilingkod sa isa’t isa. Noong 1955, ang
siyudad ay pinangalanang “Mariapolis”,
o Siyudad ni Maria Noong 1957 sinalubong ng mga Mariapolites
ang maraming obispo at mga pinuno ng simbahan na dumalo
sa pagpupulong na ito.
Noong
1958, ay ang taon ng World Expo sa Brussels, Belgium.
Ninais din naming gawin ang Mariapolis na isang maliit
na ‘Expo ng Diyos’ upang mabigyang pansin
ang kahalagahan ng mga biyaya ng Banal na Espiritu.
Noong
1959, ang Mariapolis ay parang isang bulaklak na namumukadkad:
isang maliit na kopya ng lungsod ni Maria na dapat
maibigay ng kilusan sa buong mundo.
Madalas,
tinatanong nanin sa aming sarili.“Saan natin
dapat ilagay ang bunga ng kamangha-manghang mga bagay
na nakikita sa Mariapolis?” Ang alingawngaw
nito ay nakarating hanggang sa dulo ng mundo. At sinabi
naming: tularan natin si Maria, na sa kanyang sarili
ay hindi nangibabaw, bagkus ang Diyos na naroon sa
kanyang puso. Tulad ito ng “pabango ni Kristo”
na mula sa Diyos na namuhay sa gitna ng kapatiran
ng mga kristiyano, dahil sa hindi nagbabagong pagmamahalan
nila sa bawat isa.”
Sa
pag-uwi sa mga bahay mula sa Mariapolis, maraming
tao ang umiyak.
Tila
sila ay bumabalik sa mundo bilang mga ulila, ngunit
may patuloy na paniniwala at patuloy na umaasa tulad
ng mga bata, upang payagan sila ng langit na makita
muli ang kanilang pangarap at ikalat ito sa buong
mundo.
Ang
Mariapolis ay tila isang lungsod na inilagay sa tuktok
ng burol na marami ang nakakita. Natutunan namin na
ganito din dapat ang mundo… Matapos ang huling
Mariapolis sa Dolomites noong 1959, nakita namin bawat
taon ang pagdami ng pansamantalang maliit na lungsod
saanman: mula sa Chile papuntang Korea, mula Australia
hanggang Paraguay, mula sa America hanggang sa Pilipinas.
Ngayon tatlumpung (30) permanenteng Mariapolis ang
naghahandog sa mundo ng mapangakit nitong kagandahan.Marami
ring pansamantalang Mariapolis taun-taon ang nagaganap
sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sinabi
pa ni Chiara:“Noong tag-araw ng 1959, nagsama-sama
kami, at sa dalawang buwang iyon ay sinabi namin:
ito na ang huling Mariapolis. Ang Panginoon ang nagpaintindi
nito sa amin.
Noong
1949 ito ay isa pa lamang na napakagandang plano,
gaya ng sa langit; noong 1959, ang planong ito ay
naging huwaran ng bagong lipunan. Nang bumalik kami
sa Roma noong 1959, palagi kaming mayroong nakikitang
bago sa aming buhay: parang “isang lungsod na
inilagay sa tuktok ng burol” ang mga buhay namin
upang makita ito ng lahat, “isang ilaw na inilagay
sa tahanan upang lahat doon sa tahanan ay makita ang
liwanag nito.”
Noong
1949 ay ang plano, at noong 1959--ang modelo. Ganun
pa man, hindi mabubuhay ang lahat ng tao sa modelo
lamang, kaya kailangan nating bigyang patotoo ang
modelo at buuin ito.”
Dito
nakuha ang ideya ng mga permanenteng Mariapolis gaya
ng sa Loppiano, Italya at Mariapolis Peace sa Tagaytay.
Jose
Aranas at Robert Cosme
Itutuloy
. . .